pers day ni Kian
isang eksena kinang umaga sa unang araw ng eskuwela:
First time ni Kian pumasok sa school para sa kanilang Student Orientation. Hinanap nya ang kaniyang bestfriend - si Kuya Kyle, para magkasama sila sa classroom. Sabi ko, "Kian no, hindi mo classmate si Kuya.. sa ibang room sya." Pero ayaw pa rin nyang pumasok sa silid. Hinanap naman nya ang kanyang girlfriend na si River, "Mommy, where's River?" Sabi ko, "bukas sya naka-schedule, na-late kasi sya today"..
Nahihiya pa rin sya sa kanyang mga kaklase. Nung tinawag na sya ni Teacher Jazzie, dali-dali syang yumakap sa akin at nagsabing, "Mommy, Don't leave me! Mommy no, no, nooooo!!"
At ako ay nawindang.. Hindi sya makawala sa pagkakayakap sa akin. To the rescue si Teacher Jazzie, Teacher Tess at isa pang teacher.. "Son, come on, your classmates are waiting for you," pero ang sagot pa rin ni pogi, "No, No, No!!"
Hayan na si Kuya Kyle - nakita nya si teacher Tess.. Sabi ni Kuya, "Uyyy, Kian - andito Teacher Tess! She's beautiful!!! " Napatingin si Kian kay Teacher Tess, ngumiti ng pagkatamis-tamis at biglang kumawala na sa akin...
haaaayyyy.... na-lovestruck na si Poging Kian Mikael Santos :)


LOL. Nadaan sa ganda ng guro. :-P
ReplyDelete