lesson plan...


hindi ako isang guro... ngunit minsan, noon, sa mura kong edad na labing-lima, naranasan ko ang magturo ng Religion sa mga estudyante ng ika-anim na baitang sa aming barangay.. at minsan, naisip ko, gusto kong ipagpatuloy ito..

pero di ko na nagawa ito.. pagtuntong ko ng kolehiyo, nanaig ang pagsunod ko sa kagustuhan ng aking mga magulang na ako ay mag-aral ng CompSci.. ayos lang naman dahil kahit paano, gumanda ang kinalabasan nito..

kagabi, habang nanonood ako ng MMK, naantig ang aking puso sa istorya ng buhay ni Ma'm Chato, Miss Jean at sa mga estudyante ng Gumapac Barrio School.. nasaksihan ko ang hirap at mga sakripisyo na pinagdaanan ni Madam para mahikayat na mag-aaral ang mga bata sa munting paaralan sa kabila ng kahirapan, habang binibigyan na gabay ang kapwa guro (ms.Jean) at napapanatiling mabubuti ang mga anak at maasikaso sa asawa..

hindi lang isang beses na tumulo ang aking mga luha habang nanonood ng MMK.. mahigit sampung ulit siguro akong nakita ng mga anak ko na nagpupunas ng luha.. akala nga ng aking bunso, may masakit sa akin, kasi umiiyak ako. pilit nyang ipinahid sa king mukha ang kanyang t-shirt at hinalikan ako habang sinasabi ang "i love you mommy, wag ka na iyak.."

naalaala ko na rin tuloy yung mga gabing nagpupuyat ako (nung hayskul) para ihanda ang lesson plans ko.. pinag-aaralan kong mabuti ang ituturo ko sa mga Religioin students ko na nakakasalamuha ko lang kada Miyerkules.. lagi nga akong "excited" na maibahagi ang mga kaalaman ko at makilala ang mga bata sa elementarya kung saan ako nagtapos noon.. (nagturo ako dahil isa ito sa mga requirements bilang isa sa mga units sa aking Values Ed/Cathechism subject sa hayskul).. natatandaan ko, gustong-gusto kong inaayso ang lesson plans ko.. at kada pagkatapos ng oras ng aking pagtuturo, matamis na ngiti ang laging pinapabaon sa akin ng mga mag-aaral..

masarap ang maging guro.. lalo na kung nakikita mong naisasapuso ng mga estudyante mo ang mga tinuturo mo sa knila.. kahit di ako isang guro, hiling ko na sana maapreciate ng mga anak ko ang mga itinuturo ko sa kanila (gaya pagbibilang, pag-aaral ng ABKADA,, etc..) at malaman nila ang values ng pag-aaral, na isa sa mga tanging yaman na maipapamana namin sa knila...

sa napanood ko kagabi, di ko lubos maisip, na sa kabila ng mga sakripisyo ng mga guro sa ating bansa, sila na tumutulong sa mga mamamayan kahit sa panahon ng eleksyon, sila na walang kapaguran sa pagtututo - ay sila pa ang napapabayaan ng ating gobyerno.. pero dahil sa pinakitang dedikasyon ni Ma'm Chato, madami pa rin ang nahihikayat na mag-aral sa kabila ng kahirapan..

napakadakila mo Ma'm.. isa kang tunay na bayani ng ating henerasyon.. saludo ako sa yo at sa lahat ng magigiting na guro sa buong mundo..

Comments

  1. Di ko napanood ang MMK pero habang nagbabasa sa post mo, for sure super ganda ng palabas.

    Marami taong guro na magigiting at sad nga lang kasi walang masyadong pansin ang gobyerno sa kanila, kahit man lang sa benepisyo from GSIS, bitin pa din, huhu!

    ReplyDelete
  2. o nga ang ganda nung mmk kagabi...
    kumusta na kaya sila dun..
    sana me update and malaman ko yung address nila so we can donate...

    ReplyDelete
  3. sa totoo lang, isa yun sa episode ng mmk na nagpa-antig sa puso ko..yung eksenang nilibre sila ng hamburger ng mga sundalo...haaay..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts