Drama Prince

kagabi lang, sa isang matinding eksena sa pagitan ni Mayor Enrique & Santino sa May Bukas Pa (teleserye), napansin kong maluha-luha ang aking bunsong si Kian.. akala ko ay may dinaramdam sya... pero nung pinakita na yung scene na umiiyak si Santino matapos pagsabihan ni Mayor Enrique, nabigla na lang kming lahat ng umiyak na rin nang malakas ang aking bunso...

"waaaahhh!!!!" hiyaw ni Kian... tinanong ko ang aking anak kung napano sya.. mangiyak-ngiyak nyang tinuro ang TV namin at sinabi nyang, "Mommy, galit Mayor! huhuh.. "

inalo ko ang aking anak at sinabi kong hindi naman sya ang pinapagalitan ni Mayor duns a TV, kundi si Santino... pero umiyak pa rin ang aking bunso at umiling-uling.. "Mommy, iyak din Santino, friend ko sya eh...ayaw ko sya iyak..."

nabigla ako sa tinuran nya at napatawa na lamang kaming mag-asawa.. pilit kong pinaintindi sa kanya na sa TV lang yun at di sya dapat maapektuhan.. ganun din ang ginawa ng panganay ko.. inakbayan ni Kyle si Kian at sinabi nito, "Dont Cry na..."

haaayyy.... ang bilis tumulo ng luha ng aking bunso... ang lakas talaga ng impluwensya ng telebisyon sa mga kabataan ngayon..

napapaisip tuloy ako....

hmmm...

ano kaya kung mag-artista ang anak ko sa paglaki nya...

ahehehe... aprub!

Comments

  1. Hahaha astig Claire. Na internalize niya ang role bilang friend ni Santino.

    Mas maganda kung maging friend siya ni Santino sa show. Hey ABS CBN, pwede na ang baby ni Claire sa show nyo with Santino. :-)

    ReplyDelete
  2. Aw, sobrang naapektohan ang baby mo sa eksena. Ibig sabihin, malakas ang dating ng show sa mga kids.

    LY

    ReplyDelete
  3. malamang may pinagmanahan... hehehe

    dugong artista... :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts