the name game...
List the names that you are called by and name the people who call you by these names.kuha ko to kay mae-noodle..whom i fondly now call Lilituts! nakyutan din ako kaya heto, ini-snag ko na.. nakakaaliw kasi eh.. dami rin kasing pangalan ang itinatawag sa akin.. nagkakaroon tuloy ako minsan ng identity crisis.. ngwek!....oh sya.. simulan natin sa mga names ko nung pagkabata ko hanggang sa kasalukuyan.. ready, set, go!
CLAIRE. tunay na pangalan ko.. gandang-ganda ako sa pangalan ko. sobra.. feeling ko kasi ang sarap-sarap na pakinggan.. sabi nga nila, music to one's ears... tawag yan sa kin ng maraming tao.. di ko na iisa-isahin dahil cguradong mapupuno lang tong page na to, hehehe..
CLEAR. opo, parang yung sa shampoo na Clear.. at ganyan talaga ang spelling and pronunciation! ewan ko ba! nag-umpisa yan nung grade-schooler pa lang ako.. yung mga klasmeyts ko, Clear ng Clear ang tawag sa kin.. ang jologs ng accent!! probinsyanang-probinsyana ang dating.. ang sakit sa tenga! ang tigas ng dila!
eto ha, kwento ko lang.. biruin mo, simula nung salimpusa ako nung grade I hanggang mag-grade 6 ako, tuwing nagle-lessons kami, pag sinabi na ng teacher, "children, is that clear?", aba'y ituturo nila akong lahat sasabihing, yes, ma'am, she's clear! kainis! eh di naman ako tinatawag noh! haynaku!!
CLARA. si Nanay ko ang unang tumawag sa kin nyan.. kasi daw, ipinangalan nya ako kay Santa Clara, para daw lumaki akong mabait.. kaso, parang kabaligtaran ang nangyari.. di nya alam, nagba-bait-baitan lang ako.. hahaha.. joke!
Clara din tawag sa kin ng ilang kaibigan ko, lalo na ng mga naging kaaway ko, kasi daw, kontrabida ako sa buhay nila, gaya ni Gladys Reyes sa Mara Clara... tama bang tawagin akong kontrabida... huhuhu..
CLARITA. yan naman ang tawag sa kin ng paborito kong tiyahin, si Tita Edith n ang bait-bait ng tita ko na yan. sa kakatawag ko sa kanya ng Tita-Tita-Tita, narinde yata sya.. natawag nya akong Clarita..
a kinuha ko ring ninang sa kasal.
tapos, nung pagkagradweyt ko ng hayskul, lumabas yung mexicanovela na Luz Clarita. bakasyon noon, napagtripan kong gayahin yung buhok ng bida na si Daniella Lujan, sabi ko sa mga kapatid ko, ako si Clarita.. simula non, Clarita na rin tawag sa kin ng mga kapatid ko.
ang isa pang tumatawag sa akin ng Clarita ay si Angelita aka Ma. Andyelli aka angelibeans.. nakilala ko sya sa pex, naka-eyeball, nakasama sa F4 concert at naging kaibigan. namimiss ko tuloy ang s5!
CLARING oh di ba, ang daming nabubuo sa pangalan ko... ngayong 2009 lang nagsimulang itawag sa kin nyan.. pasimuno si Jayson, kasamahan ko sa trabaho.. magkakatabi kasi kami nina Jayson, Marina at ako. nasa gitna si Jayson. Si Marina, tinawag nyang Maring, ako naman daw si Claring, modern version daw yun ng Mara Clara.. akalain mo nga naman, kahit ngayong trenta na ako, kontrabida pa rin ang pangalan ko.. wahahaha..
SIOPAW.. ay grabeh, nagsimulang itawag yan sa kin nung grade 2 ako.. halaw sa programang Tipitipitim Tipitom.
kungdi nyo naabutan yun, ibig sabihin lang nun, matanda na talaga ako.. waahhh! starring dun dati sin Susan Roces & Eddie Guttierez, tapos may isang anak sila dun na babae, si Shampoo, na ang naging palayaw ay Siopaw kasi mataba yung pisngi nya. Si Bamba ang gumanap na Shampoo/Siopaw..
eh nung mga panahon na yun, isa akong malusog na bata at talaga namang namimintog sa taba ang mga pisngi ko, gaya ni Bamba.. kaya hayun, tinawag na rin nila akong Siopaw.. si Racquel Navarro, klasmeyt ko from Grade I until College ang nagpasimunong tumawag sa kin nyan.. paminsan-minsan, pag nagte-text sya hanggang ngayon, Siopaw pa rin ang tawag sa kin..
CLEK. kung Clara tawag sa kin ni Nanay, si Tatay naman, CLEK ang tawag sa kin..sya lang ang kaisa-isang tumatawag sa kin nyan.. hanggang ngayon di ko alam pinagmulan ng Clek.. actually, Clek-Clek pa nga tawag nya sa akin eh.. naging Clek na lang nung nag-high-school ako..
nung pumasok ako sa AOL noong 2000, nakalakip ang "nickname" sa I.D. namin.. dahil ayokong tinatawag akong Clarita or Clara, naisipan kong CLEK ang ilagay kong palayaw ko dun sa ID Form. abah, kumita ang pangalan ko.. dalawa na ang tumatawag sa kin ng Clek.. sina Donnel at si Coach Christine.. the rest, Claire pa rin ang tawag sa kin. hehehe..
SPHINX/PHOENIX. pen name ko pag gumagawa ako ng mga poems or short stories. di ko ginagamit real name ko minsan, para mysterious effect. hayskul ako nung nagsimula akong magsulat-sulat. yan rin ang bansag ko pag magkakasama kami ng barkada ko (pangalan ng barkada namin is 2CJ KLViR. initials ng mga name namin, Catherine, Claire, Jennifer, Jessica, Kristopher Lito, Virginia & Rosellie.)
ANGELU. nung kasikatan ng TGIS at GIMIK, tinawag ako ng mga kaklase ko nung 4th year ako nang Angelu kasi daw kahawig ko si Angelu De Leon.. NOON yun ha.. pareho kasi kaming may dimples, pareho korte ng mukha. pero dahil di feel ng ilang friends ko si Angelu, tinawag nila akong Angelu-ka-luka!! waaahhh!
ARIANE. second name ko, syempre, yan ang uso sa US di ba, yung may second name. ibininyag sa akin ng nanay ko ang pangalan na yan kasi paborito nya daw yung Ariane na pabango/polbos sa AVON..suki kasi sya ng Avon dati. nung college ako, yun ang pinilit ko sa mga kaklase ko na itawag sa kin, kaso, di bumenta.. ginamit ko lang uli yung name na yan nung nagka-boyfriend ako. pangalan nya Ronald Allan. kinabit ko yang Allan sa Claire, hayun, nabuo uli ang Ariane. si Ronald Allan lang tumawag sa kin ng Ariane.. wala ng iba pa..
nabanggit na rin lang si Ron, isa pang naging tawag nya sa akin ay MIMING.. parang pusa noh? pareho kasi kaming mahilig sa pusa.. yun ang naging term of endearment namin.. hanggang sa nagbreak kami, nawala na si Miming..
YANYAN. derived from Ariane. tawag sa kin ng male bestfriend ko, dating ka-trabaho sa AOL na ngayon ay nasa Makati na. ka-chat ko paminsan-minsan pag tinotopak.. tawag ko sa kanya, Lolo Sam. kung bakit, secret na lang.. wahehehe..
CLAIRE2KITTY. online name ko. tingnan mo URL ko, yang ang username ko sa blogger, AIM, YM tsaka LJ (livejournal).. nilagyan ko lang ng 2kitty yung name ko kasi gusto ko ng kitty.. ..in memory of Miming yan, kaya mala-pusa ang username ko..
CLAIRETUTS. nagsimula yan kay Ada, dati kong kasamahan sa AOL. nung wala akong maisip na username sa multiply, inadapt ko yung Clairetuts. kaya pati sa tumblr ko, clairetuts ang gamit ko.. :)
MOMMY/MOMMY SEXY. of course, dapat kasama dito yung tawag sa kin ng mga babies ko.. baby Kian and kuya Kyle call me Mommy.. minsan, pag naglalambing sila, they call me Mommy Sexy.. woot*woot! oh, wag ng komontra.. basta sa paningin ng mga anak ko, sexy ako, yun na!
HONEY. tawagan namin ng asawa ko.. honey, minsan hon.. minsan mommy din tawag nya sa kin.. pareho ng mga anak ko, pag naglalambing din sya, Sexy din tawag nya sa kin.. ahihihi..
ATE GANDA. ang katangi-tanging tumatawag sa kin nyan ay ang aking bunsong kapatid at tanging lalaki sa pamilya, si Jonas.. nakakamiss tuloy sya, di na nya ako natatawag nyan ngayon kasi nasa U.S of A na sya.. miss you bro!
HOT MAMA. kasi daw, marunong akong magdala ng damit, minsan, sexy ang nagiging outcome. nagsimula to nung ibang company pa ko, malay ko ba na hanggang dito sa present company ko, hot pa rin daw ako.. nyah!
MARE. syempre tawag sa kin yan ng mga kumare at kumpare ko sa binyag/kumpil. yung iba, di ko naman talaga kumare.. nakasanayan lang..
CLAIREBEAR. yan ang pet name sa kin ni cool & bubbly bubbles aka povi . gustung-gusto ko ang tawag nya sa kin na clairebear.. i met her through our F4 grand assembly, nakilala ko rin through PEX..
and lastly, MALDITA. tawag sa kin ng AVP ko. ewan ko kung bakit nya ako tinawag na maldita, eh ang bait-bait ko naman.. hmp!


weee mami! lilituts. love it! dko lam ung programang yan tipitipi what?? napaghahalata kana wahihi. pag tumanda kana pala tawag na sayo ng mga kapitbahay "aling claring" waha.. diba ganun un.
ReplyDeleteang kulit nung "clear" ganun din un pinsan ko.. ang nickname niyang kinalakihan "GEE" parang cool pakinggan pero ang totoo.. "JAY" dapat un dahil "jayson" ang real name nia kaso.. dahil bisaya ang yaya nia nung bata sha.. ayun. naging "GEE" haha! ndi na nabago hanggang ngaun may asawa na sha.
buti ok lang kay honey mu un "kitty"? dahil pala un kay miming mu ah.. hmm..
lilituts! ok lang kay hubby yung claire2kitty, di naman nya ako tinatawag nun.. usually mga ka-blog ko lang :)
ReplyDelete