paano ako naging palabasa?

i decided to take the liberty to snag Fran'z Inspired Reading post because it made me think back about the time when my eyes started to get blurred..

don't get me wrong.. hindi sa sinisisi ko ang pagbabasa sa pagkalabo ng aking mga mata.. pero, parang ganun na rin.. hehehe..

anyway.. maliit pa ako, alam ko mahilig na akong magbasa.. one time, nung Grade 3 pa lang ako, pinadalhan ako ng aking tiyahin sa Maynila (Tita Edith) ng isang libro tungkol sa Fairytales, Tagalized edition.. dun ko nakilala sina Cinderella, Snow White & Sleeping Beauty, yun nga lang, Pinoy version. natuwa naman ako at paminsan-minsan, binabasa ko yun.. hanggang sa nagsawa ako sa kababasa dahil memorized ko na yata lahat ng lines dun.. tsaka isa pa, mas gusto ko pa ang maglaro ng piko nung mga panahong iyon, kesa magbasa..

nung narating ko ang ika-anim na baitang (6th grade), dun ko nakilala ang aking paboritong English teacher na si Miss Julita Manuel. lagi ko syang nakikitang nagbabasa pagkatapos ng English classes namin. dun lang ang table nya sa likod namin. kadalasan din, pag Recess, nakikita ko syang nagsusuot ng salamin at binabasa nya yung mga maliit at manipis na libro sa mesa nya. Reader's Digest yun.. dun ko unang nakita ang Reader's Digest. napansin ko na parang absorb na absorb si Madam Julita sa binabasa nya at ayaw nyang bitawan kahit tapos na ang recess time.

kaya minsan, lumapit ako sa kaniya at nagpaalam kung maaaring makihiram ng isa sa mga digests nya.. Madam Julita gave me a wide smile and said, "yes, you can borrow mine. in fact, i can let you bring home these 3 editions and you can read them when you don't have homework.." natuwa ako sa English teacher ko. simula nun, nag-umpisa na talaga ang hilig ko sa pagbabasa..

from then on, lagi ko nang kinukulit ang nanay ko na payagan akong mag-stay muna sa eskwelahan pagkatapos ng huling klase ko sa hapon.. ang rason ko, magbabasa ako ng libro sa ming school Library.. at sa silid-aklatan ko nakilala si Mahatma Gandhi - ang kanyang buhay, sakripisyo, mga naging hangarin at saloobin.. at minsan ay naging mantra ko ang isa sa mga pamosong linya nito.. You must be the change you want to see in the world.

napakamatalinghaga di ba? dun ko na-realize na ang pagbabago ng mundo ay magsisimula sa sarili mo, nasa iyong kamay kung paano mo babaguhin ang iyong pananaw sa mundo.. at na-realize ko, sa pagbabasa ng mga aklat, naging panatag ako na malayo ang mararaing ko dito sa mundong ating ginagalawan..

ikaw, kapanatag ka na rin ba? este... mahilig ka rin bang magbasa?

Comments

  1. wow! i envy you coz you really love to read..my cousin was practiced by her mom to read, and that's why she became really smart.. she learned and til now she likes reading..

    *sigh* buti pa kayo. huhu. The only things i read on reader digest are the jokes. LOL. and some stories that I find interesting :)

    ReplyDelete
  2. Nice claire. :-) ipasa mo yan sa iyong mga angels para naman maging active readers din sila.

    Ako naman noong nasa jr. kindergarten ako nagsimula. Pagkakuha ko noong mga books ko sa school ay binasa ko kaagad ang mga iyon. Yun yung mga books na pang-kindergarten ha.

    Tapos tumulong pa sa paghasa ng pagbabasa ko 'yung Funny Komiks na sikat na sikat dati. Sayang nga 'yun at hindi na masyadong maganda ngayon.

    Kaya ngayon isa na rin akong bookworm at marami na rin akong tinapos na mga novels at short stories. Pero kahit ganun ay delighted pa rin ako sa pagbabasa ng libro ni Dr. Seuss.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts