sumakit sana ang tiyan mo!!
grrr...
pagpasensyahan nyo na ang paglalabas ko ng sama ng loob.. naiinis talaga ako!! mayroon na naman kasing gumagalang magnanakaw ng pagkain sa pantry dito sa opisina namin. iniwan ko kasi dun yung dala kong Tiramisu para sana pagsaluhan namin ng mga kaibigan ko, pero pagbalik ko, ni anino ng tupperware na pinaglagyan ko ay wala na!! nakakainis talaga!!!
dalawang beses na daw nangyari to sa iba kong kasamahan nung nakaraang taon. di ko akalain na mabibiktima din ako.. bakit kaya merong mga ganong tao, noh? yung nangunguha ng di naman pag-aari.. di ba nila alam na kasalanan yun?
grrr..
naiinis talaga ako.. alam ko wala na akong magagawa kundi magmukmok.. asus! bad trip talaga..


OMG! Nakaka-bad trip nga!
ReplyDeleteang kapal naman ng mukha nung kumuha, i wonder di kaya yun na empatso? o di kayay likas na sa kanya yung ugaling magnanakaw. bad trip nga, tama si dodong.
ReplyDeletehope you're fine now claire.