pasko na!


Pasko na naman.. o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan, tila ba kung kelan lang...
ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan,
ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan!

at dahil panahon ng bigayan, ako ay nagagalak na sabihing naibalot ko na rin sa wakas ang akinig mga aginaldo para sa aking mga mahal sa buhay.. sa totoo lang, katapusan pa lang ng Nobyembre ay nag-umpisa na akong bumili ng mga regalo.. basta nakita kong magugustuhan ng kaibigan ko o ng mga kapamilya ko, walang dalawang-isip na bibilhin ko mga yun.. kaya naman, sa ilalim ng aming Christmas Tree ay namumula at nangingintab na ang mga kahon-kahon ng regalo..

ang sarap ng pakiramdam ko pag natatapos ko ang pagbabalot ng mga gifts.. kay ayang tingnan ang mga palamuti.. kahit isa o dalawa lang makuha kong regalo ngayong Pasko, ayos lang sa kin.. ang mahalaga ay may naibahagi ako sa aking mga minamahal..

Pasko, (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Tanging araw na ating pinakamimithi
Pasko, (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na naman muli
Ang pag-ibig naghahari.

Comments

Popular Posts