nung nakaraang taon..

noong nakaraang taon, humigit-kumulang 365 na araw ang nakakalipas, ako ay isa sa mga mapalad na natanggap na magtrabaho dito sa kompanyang kinalalagyan ko ngayon..

noong una, medyo aligaga ako at nag-aalinlangan ako kung makakatagal ba ako ng isang taon, o kaya ay isang buwan man lang.. pero napag-isip-isip ko, "bakit di ko subukan? nakaya ko naman na maging isang mabuting empleyado sa dati kong kompanya sa loob ng 7 taon.. siguro naman, makakaya ko ang isang taon dito sa kabilang bakod... "

lumipas ang isang linggo.. nakagaanan ko na agad ng loob ang apat kong kasabayan - sina Jane, James, Jayson at Michael. kahit kaming apat lang ang madalas na magkasama, nagkaroon agad kami ng "bonding" na gaya ng sa magkakapatid.. naghihintayan kapag kakain at pagkatapos kumain.. naghihiraman ng libro at kung anu-anong babasahin.. nagpapaalaman pag may gagawin o pupuntahan.. naghihingahan ng sama ng loob.. nagbibigayan ng kanyang kuru-kuro tungkol sa kani-kaniyang buhay.. at naghihiraman pag merong kinakailangan..

simple lang ang buhay naming lima.. masaya at maiingay.. nakilala namin ang lima pang mas nauna sa amin.. sina Kuya Randy, Marina, Cherry, Delon at Jennifer.. sila ang Batch 1... kami naman ang Batch 2.. madali namin silang nakagaanan ng loob.. "very accomodating," kumbaga.. iba pa ang nature of work nila kumpara sa aming lima.. kung tawagin kami dati ay "Manual Processors" kami.. sila Marina naman ay tinawag na Bankruptcy Team.

lumipas ang humigit dalawang buwan, nagkaroon uli ng hiring sa aming account. kinailangang magdagdag ng mga tao dahil sa lumalaki ang aming kompanya. tiyempo namang nangailangan din ang Bankruptcy team (BKR). laking tuwa ako nung napili ako nina Kuya Randy para sumali sa Team BKR. dalawa kami ni Michael na nabigyan ng pagkakataon na "ma-promote" kumbaga..hindi na kmi Manual Processors.. tinawag na kaming Financial Analysts.

hindi naging madali ang "transition" ko sa pagingng miyembro ng bKR team. napakaselan kasi ng trabaho. daming dapat asikasuhin, una na ang mag-file ng cases sa US Courts.. hindi madaling gawain, lalo pa't mga abogado ng mga kliyente ang kalaban namin.. isang maling pagkakamali gaya lamang ng isang maling letra ng pangalan ay maari nilang ihabla bilang kaso laban sa amin.. isa pa, sa loob ng isang buwan ay dapat naming matapos ang humigit-kumulang na limang daang Bankruptcy Case kada katao.. hindi madali yun.. dahil ang isang Bankruptcy Case ay umaabot ng isa hanggang dalawang oras para tapusin. at ang isang Bankruptcy Case ay maaring maglaman ng isa hanggang limang account.. sa madaling salita, para na rin kaming mga abogado na nag-aareglo sa mga pinansyal na aspeto ng aming mga kliyente..

lumipas uli ang ilang buwan... umabot kami ng anim na buwan.. sa wakas, naregular kami.. pero nalungkot kami dahil umalis na sina Michael at James. kinailangan nilang mag-iba ng linya ng propesyon na angkop sa kanilang expertise.. naging full-pledge Engineer si Michael at nangibang bansa si James..

ang ikinatuwa ko naman sa aking sarili ay na-promote na naman ako sa ikalawang pagkakataon.. isa na akong Senior Agent ngayon.. opo, wala pa man akong isang taon ay naging mabait na ang kompanya sa akin dahil na-recognize nito ang aking mga pinaghirapan.. di ko akalain na sa loob lamang ng sampung buwan ay naging Senior na ako.. maraming salamat sa Itaas dahil hindi nya ako pinabayaan..

mapunta tayo sa kasalukuyan..ngayong araw na ito, makalipas ang isang taon, kaya kaming tatlo na lang nina Jane at Jayson ang natira sa Batch 2.. eksakto sa araw na ito, pinagdiriwang namin nina Jane at Jay ang aming ika-isang taong anibversaryo sa kompanya.. akala namin ay di namin to makakayanan... akala namin ay susuko na rin kami sa laban.. pero narito pa rin kami.. patuloy na sumusulong.. patuloy pa rin sa agos ng buhay..

para sa inyo, Jane at Jayson... para atin itong araw na ito.. Maligayang anibersaryo sa atin!!



Comments

  1. happy aniv... and belated thanksgiving... how's the holiday there in the philippines so far?

    ReplyDelete
  2. thanks vhiel.. ok naman holiday dito.. rain or shine, kahit tag gutom, for sure, icecelebrate pa rin ng pinoy ang Pasko in our own special way.. miss you!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts