bati na kami...

naaalala mo ba nung nakwento ko yung naging tampuhan blues namin ng kaibigan ko 2 weeks ago?

masaya ako ngayon kasi kahit paano, nagbati na kami.. nilapitan ko sya uli at kinausap nang masinsinan para maging klaro na ang lahat.. sinabi ko as kanya na ayoko nang may kaaway o di kapalagayang-loob sa opisina, kasi hindi ako maayos magtrabaho kung alam kong may isang taong ayaw kumausap sa akin...

nagpaliwanag ang kaibigan ko na na-realize nyang nagkamali sya sa naging asal nya at pakikitungo sa akin.. ayon sa kanya, nahihiya din daw sya kasi sya yung mas nakakabata kesa sa akin pero kung tratuhin nya ako ay wala syang galang at parang kayang-kaya nya ako.. nabigla ako sa nasabi nya.. di ko inakala na yung pagkakamali ko nung nakaraan ay tinuring nyang isa ring kakulangan sa kanyang panig.. mabuti na lang at nagkaayos kami ng aking kaibigan, at ngayon ay maayos na ang lahat..

sana laging ganito, walang away, walang gulo... sana ganito rin ang mundo natin.. sana magkatotoo ang wish ng lahat ng tao para sa ating daigdig... ang magkaroon ng World Peace! :)

Comments

  1. friends are friends. if friendship ends, then it never started in the first place :) good thing okay na kaayo sis. congrats :)

    ReplyDelete
  2. wow! Congrats! hehe... well i guess it reli takes time pra mging sincere at heartfelt yung pag sbi ng sorry.. gud ting it was never too late... just ryt in tym!ÜÜ

    ReplyDelete
  3. thanks janna & belle!.. honga, good thing i took some time off and gave space.. at least ngayon we both learned from our mistakes.. thanks again for dropping by! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts