starstruck kay Jollibee!

Nung Linngo ay brown-out sa aming lugar mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon. upang maibsan ang init ng panahon at nagpasya kaming magliwaliw at magpahangin sa malapit na mall.

nagtungo kami sa Amusement area at sumakay ang aking mga anak sa lahat ng rides na ninais nila. bump cars, mini-carousel, speed bike at kung anu-ano pa. syempre, sobrang saya ng aming mga chikiting. di mapawi ang ngiti sa knilang mga mukha.. kaaya-aya silang tingnan..

kinatanghalian ay nagtungo kami sa Jollibee upang mapunan ang aming nangangalam na tiyan. tuwang-tuwa ang mga bata dahil paborito nila ang malaking bubuyog na may malaking puwet.. ngunit nalubos nang lalo ang kanilang tuwa nang makita nila ang mismong mascot ng Jollibee!

nagkataon kasi na merong kaarawan na pinagdiriwang sa event room ng nasabing fast food chain, kaya naman ang daming mga bata.. at nang maulinigan namin na espesyal na panauhin si Jollibee, di na tinapos ng aking panganay yung spaghetti sa kanyang plato dahil nagmamadali syang hanapin si Jollibee..

at nang makita ito ni Kyle, abot tenga ang ngiti ng aking anak.. di magkamayaw ang kanyang kanang kamay sa pagwagayway, para mapansin sya ng malaking bubuyog... ilang sandali lamang at nakita sya nito at tuwang tuwang yumakap si Kyle kay Jollibee.. di pa nakuntento, nakipag-apir pa ito sa kanya at humalik sa mascot..

at dahil sa nasilayan, gumaya na rin ang aking bunso. nagpabuhat sya sa kanyang tiyuhin at nagpayakap kay Jollibee.. at humalik din ito sa napakalaki nitong pisngi...

nang umalis na si Jollibee, tinanong ko si Kyle: "bebe, niyakap ka ni Jollibee! ano sabi mo sa kanya?"

tiningnan lang ako ng aking anak at biglang ngumiti.. ganun pa rin sya makalipas ang ilang segundo.. di nya sinasagot ang mga tanong ko.. nakangiti syang nakatingin sa kawalan.

na-starstruck pala ang aking panganay! habang patuloy sa pagsigaw ng "Jabee!" ang aking bunsong si Kian, si Kyle naman ay natulala.. speechless, kungbaga..hanggang sa makasakay kami sa kotse ay nakangiting nakatingin sa kung saan ang aking anak..

nung nakauwi na kmi ng bahay, dun pa lang niya ako sinabihan nang, "Mommy, si Jollibee, ang laki puwet!! si Jollibee, ang laki ng mata at kamay!! ang laki nya, Mommy!"

tunay ngang napuno ng kasiyahan ang mukha ng aking mga munting anghel. Oo't madalas kaming kumain sa naturang fast food chain.. Oo't may laruan na silang Jollibee doll.. pero aking napagtanto, di pa rin matatawaran nito ang sayang dulot ni Jollibee sa aking mga supling.. maraming salamat sa yo, malaking bubuyog!

Comments

  1. hi Claire!

    Musta na? ask ko lang where mo na buy yang jollibee doll ng baby mo, favorite kasi din ng baby ko si jolly and I know she would be thrilled to have a jolly doll....

    awaiting for your reply,
    minette

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts