malinaw na malinaw, Ginebra ang Hari!

we are the champion, my friend...we kept on fighting till the end...

yan ang angkop na themesong ko today, dahil nag-champion ang aking mga ka-barangay! napakasaya ko talaga dahil kahit na nakalimang foul na si Alexander, injury pa rin si Helterbrand at medyo masama pakiramdam ni erik menk at tubid, ay nagawa pa rin nilang lampasuhin ang kalaban at manaig sa Finals night!!

ang galing talaga! saksi ang humigit kumulang dalawamput- tatlong libong mga fans sa espesyal na gabi ng mga alagad ni Coach Uichico.. at syempre pa, nakapula rin ako ngayon {nakapula rin ang karamihan ng mga fans at mga executives ng Ginebra kagabi} dahil feel ko pa rin ang kanilang victory..

mabuhay ang Ginebra!! yahoo, yahoo!!! ASTIG! Congrats Gin Kings... better luck next time. Ube Republic ;)


P.S. nagpustahan kaming mgakakapatid nung isang gabi. kung sinong talo, syang manlilibre ng balot-penoy-chicharon.. kaya mamayang gabi, ililibre kami ng kapatid kong si Jonas ng balot-penoy-chicharon.. kumampi kasi sya sa Air21 eh.. ayun talo tuloy.. hehehe!

Comments

Popular Posts