BER na Ber na...

parang kailan lang, kauumpisa pa lang ng Bagong Taon.. katatapos lang ng mga masiklabong fireworks display sa kalangitan.. katatapos lang ng gift-giving and long holiday vacation..


di mo napapansin, nasa kalagitnaan ka na ng taon.. may mga estudyante na nagsisipagbalik-klase.. back-to-school blues kumbaga.. ang ilan naman ay nagpapakasal dahil gustong maging June Bride..


at ngayon.. heto na.. ang nalalabing apat na buwan ng taon..


September na!


Ber na Ber na... malapit na ang Pasko! naririnig ko na ang ilang Christmas songs sa radyo.. medyo OA kung tutuusin, pero para sa akin, napakasaya lagi ng pakiramdam ko kapag nakakarinig ako ng mga awiting pamasko..


haayy... umpisa na ng countdown...


umpisa na ng paglilista ng mga pangalan ng inaanak - at ang listahan ng mga bibilhing regalo...


yehey!! malapit na ang birthday ng dalawang anak ko!!


para sa inyong lahat, Happy Ber month to all :)

Comments

Popular Posts