08-08-08

ang mahiwagang numero - ang espesyal na araw para sa aming mag-asawa.. ang aming ika-apat na anibersaryo.. otso-otso-otso...



kagabi lamang, habang nanonood ako ng TV Patrol, nabanggit ng anchor na hindi gaanong kagandahan ang nais ipahiwatig ng numerong ito.. nagtaka ako.. dahil ang pagkaka-alam ko, ang numerong walo o otso ay nangangahulugan ng swerte - dahil infinite number ito..



pero ayon sa balita, na ayon naman daw sa mga Chinese Experts, and numerong 8-8-8 ay malas daw - dahil ang buwan ng Agosto ay isang ghost month.. na kung maari daw ay ipagpaliban muna ang anumang okasyon o gawain sa araw na ito..



napaisip ako - anibersaryo namin yun, di naman pwedeng ilipat ang okasyon na yun di ba.. tsaka di naman ako naniniwala sa mga malas o swerte na yan, dahil alam kong tayo mismo ang may hawak ng ating kapalaran..



kaya naman, masaya akong natulog kapiling ang aking bunsong Kian at excited na nagising kaninang umaga..



pero ewan ko ba... alas-siyete ang pasok ko ngayon, naka-alarm ako ng 4:30 pero pasado alas-singko na ako nagising.. kaya naman nagmadali akong nagluto, kumain, maligo at mag-ayos ng mga gamit at askikasuhin ang ma bata..



ang resulta - hindi ko naabutan ang service van namin.. so nagcommute ako..



kaso naman, nagkagitgitan dun sa may terminal sa Clark. ang nasakyan ko tuloy na route - pang Regular Section - hindi yung Reverse na dadaan sa opisina ko.. hay naku... dalawang beses tuloy akong namasahe...



pagdating ko sa office - saktong saktong alas syete ako nakapag-log-in.. mabuti na lang!



pero, subalit, datapuwat - nung kinuha ko na ang aking "utility box" - na naglalaman ng samut-saring gamit pang trabaho at pang-kikay regimen - ay natabig ako ng isang kamay doon sa pasilyo kaya nahulog ang box ko - at nagkalat sa apat na sulok na pasilyo ang aking mga kagamitan! hayayayay!



tapos pag-log-on ko sa aking system tool, nagka-aberya pa ang Citrix mainframe ko.. aruuu - host/server error pala ang tools ko.. kainis! wala akong naumpisahang trabaho...



hahaaayyy..



eto, pauwi na ako.. magse-selebreyt na kmi ng mister ko..



wish ko lang ay maging maayos ang nalalabing oras ng araw na ito para naman hindi magkatotoong malas ang otso-otso-otso...



wish me luck!

Comments

  1. oh my, I hope naging ok lang naman ang anniv nyo, happy anniv sainyo by the way! sweeeettt! nakakatuwa naman basahin post mo, hindi ako masyado sanay magbasa ng deep tagalog words, I try to understand it though dahan dahan lang hehee. coincidence lang siguro yang otso otso otso na yan, hindi ako naniniwala sa malas, sa swerte lang meron hahaha

    anyhoo, thank you for visiting and remembering me. about my bro, yeah we gave it a try, our family friend went on with it and sabi luminaw na daw yung name ng kapatid ko sa candle wax, kaya ayun wala nang pain masyado nararamdaman kapatid ko. I still think of God always kahit ganun...

    take care!!

    ReplyDelete
  2. anu ba yun!? kamusta naman ang celebration niyo? wiiiiiiii happy sa inyo! :)

    ReplyDelete
  3. i didn't know...belated happy anniversary! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts