the other car & the older one
Lunes.. pinilit ako ni Kyle (my panganay) na iakyat sya sa aming kotse, dun sa back hood.. gustong-gusto nya kasing tumayo dun at magsayaw..
pag nakakakita sya ng chicks, aka mga bebot, tumitigil sya sa pag-giling-giling ng kanyang beywang at tatakpan nito ang mukha nya..
tapos tatanungin nya ako, Mommy, wala na yung girl?
syempre, sasagot ako ng Yes pag wala na nga.. sabay tutksuhin ng, uuy.. binata na sya, nahihiya na sa girls..
then ngingiti lang sya ng pagkatamis-tamis..
makalipas ang sampung minutong kulitan at sayawan, naisipan ni Kyle na magtatalon sa ibabaw ng kotse.. "anak, wag kang tumalon.. baka mawasak car natin"
tumigil naman sya at biglang yumakap sa akin.. Don't worry Mommy.. pag nasira car natin, eh, di, we'll use the other car na lang...
napakunot-noo ako.. wala naman kaming ibang kotse.. tinanong ko kung nasan yung isang car..ang sagot nya ay, Mommy, forget mo na? Yung big car ni Lolo Tony!!
napakamot-ulo ako.. oo nga naman, may isa pa palang kotse kaming ginagamit.. yung kotse ng byenan ko, na minsan ay pinapagamit sa amin kapag nagloloko yung Nissan namin..
na-realize ko.... hmm.. pwede maging abogado ang anak ko.. marunong magdahilan eh.. di ba... ang galing! hehehehe..
kagabi naman, bago matulog, niyakap nya ako at nagmano (bless) sa akin.. sabi ko, kyle, bakit ka nagmano?
ang sabi ng aking munting anghel..sabi ni Lola, dapat magbless sa older people. di ba old ka na Mommy? kaya bless kita ..
oo nga naman!


aaaw ang cute cute ng anak mooo.. haha nakakatuwa very bibbo.. naalala ko dati nagswimming kami nakaupo ako sa cottage may cute na batang lumapit sakin binibigyan ako ng hotdog on stick ahahah
ReplyDeleteay nag share ako bigla? haha daldalera sorry