simple things that make my day...

sometimes, it's the simple things or simple act that makes us smile and appreciate the day ahead.. parang kaninang umaga... isang simpleng pagbati mula sa isang kakilala ang nagpagaan ng aking pakiramdam..

naglalakad kasi ako patungo sa main gate ng subdivision namin, nang mapadaan ako sa bahay ni Lola Emmy, ang butihing lola ng magkapatid na Joshua at Justin na kalaro ng mga anak ko.. binati ako ni Lola Emmy ng good morning, na sinagot ko rin ng magandang araw..

at nakita nya akong parang nagmamadali sa paglalakad.. "dahan-dahan, iha, makakarating ka rin sa office mo.. don't work too hard" sabay ngiti at kaway ng kamay..

napangiti na rin ako at naappreciate ang kanyang small but sincere gesture.. nasambit ko sa kanya, "salamat Lola Ems.. i won't work hard today, i'll be carefree..." at ako'y nagpaalam na rin..

habang nakasakay ako sa coaster (transpo service namin sa office), napapangiti ako habang naaalala ko ang ngiti at bilin ni Lola Emmy.. nakakagaan ng loob.. nakakatuwa.. :)

pagdating ko naman sa opisina, dumaan ako sa Locker Area para kunin ang ilang gamit ko sa trabaho. may isang babaeng napadaan sa likod ko at nagsabing, wow, ang ayos naman ng locker mo, ate. ang linis! may picture pa.. sana ganyan din ako ka-organize...

at napangiti na naman ako sa tinuran ng babae.. naappreciate ko muli nang husto ang aking locker - ang aking munting sanktwaryo.

Comments

  1. there is joy in little things ..just don't fail to notice them. even a simple smile can touch a soul.

    take care my fren.;)

    ReplyDelete
  2. hi ate claire! still remember me? miss ko na magblog. will be back online very soon. hihihi. anyways, nakakatuwa tlaga ung mga small but out of the blue thoughts/gestures. reminds you that life is wonderful indeed. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts