tinatablan din pala ako..
akalain mo, sa loob ng halos apat na taon, hindi ako nagkasakit....
kaya naman nitong sabado, nagising na lamang ako na nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang lamig.. nakatalukbong ako mula ulo hanggang paa, samantalang ang aking anak ay naka-"sleeveless" lamang.. ang pagkakaalam ko pa ay naka-on ang bentilador, ngunit pagtingin ko sa aming paanan, nakapatay naman ito..
sabi ko sa sarili ko, "kaya ko to...kaya kong bumangon...." ngunit sinusubukan ko pa lamang na tanggalin ang kumot ay naramdaman ko ang aking mainit at mapait na hininga.. naisip ko, may sakit ba ako? tapos bigla akong umubo.. ang hapdi ng leeg ko...
nagbilang ako ng sampu.. isa... dalawa... tatlo... ... ... walo... siyam... sampu...
hindi ko pa rin magawang bumangon sa kinahihigaan ko.. ang lammiiggg talaga... nangangatal na ang mga ngipin ko.. nag-usal ako ng munting panalangin "Lord, bigyan mo po ako ng lakas & pagkukusa para bumangon at gawin ang mga nararapat sa araw na ito, Amen"
nagising din ako makalipas ang ilang minuto, pero hirap na hirap ang buong katawan ko.. para akong sinuntok ng ilang libo.. ang sakit-sakit pati mga buto ko....
haaayyyy... opo, sa loob ng apat na taon, ngyon lang ako uli nagkatrangkaso..
ang hirap kasi hindi ko magawang makipaglaro nang matagal sa mga anak ko..
ang hirap kasi yung panlasa ko, ang pait!!
ang hirap kasi hindi ako makatulong sa bahay..
naisipan ng aking mahal na ina na dalhin muna sa pangasinan ang aking panganay na si Kyle para maalagaan ng husto ng aking asawa yung bunso namin.. dahil ayaw nga nilang ipahawak sa akin ang mga bata... syempre, para hindi sila mahawa sa aking trangkaso at ubo..
kaya naman ngayon ay miss na miss ko na ang mga anak ko.. waahhh!!
nawa'y tuluyan na akong gumaling.....


Comments
Post a Comment