kaarawan...

unang araw ng Marso.. araw ng pagre-renew ng lisensya ni Marc, ang aking asawa..

eto rin ang araw ng kapanganakan nya.. tumanda na naman sya ng isang taon, pero lalo pa ring bumabata ang itsura.. nagkulay-pula ang buhok nya, parang si Son Gokuo ng Dragon Ball Z... pero ayos lang, carry naman nya eh.. at bagay naman nya....

naudlot ang plano naming manood ng My Big Love sa SM.. nagkasakit kasi si bunso.. si panganay naman ay may ubo at sipon..kelangan naming bantayan at alagaan ang aming dalawang supling.. mabuti naman at ayos na sila ngayon...

nagluto na lamang ako ng pancit at nag-ihaw-ihaw kami sa harap ng aming bahay.. hanabg tulog ang mga bata, nagbonding kaming dalawa sa pamamagitan ng panood ng Naruto: Shippuden sa dvd.. kahit paano ay maayos naming naipagdiwang ang kanyang kaarawan..

masaya ako dahil patuloy pa ring tumatatag ang aming relasyon, sa gitna ng mga problema, hadlang at unos na aming naeenkwentro... masaya ako dahil patuloy na lumalabong ang aming pagmamahalan.. masaya ako dahil ang aming pangako sa isa't-isa na "to love and to cherish, till death to us part" ay aming naisasakatuparan..

sa yo mahal kong asawa, maligayang bati at tandaan mo na mahal na mahal kita at naway sana'y lagi tayong magkapiling...

Comments

  1. hi claire! glad to hear from you.

    and happy birthday to your husband! :) hope you guys had a nice day.

    and I can't believe you're using this design. thanks! :D

    ReplyDelete
  2. natutuwa ako kapag nagpo-post ka ng tagalog... ibang dating eh!

    ReplyDelete
  3. thanks daisy.. yep, i'm using one of ur designs again.. you're really my favorite template designer.. i jope that's okay with you :)

    ReplyDelete
  4. edong.. once in a blue moon na lng ako magpost ng tagalog.. naiiba nga pag sariling wika, noh? :)

    ReplyDelete
  5. hello claire,

    oy i got your link from on of my friend cathy.. hahaha.. what a small world... your into blogging din pala.. wow..

    add kita sa link ko ha.. add mo naman site ko.. thanks.

    vhiel
    http://canofthoughts.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts