my black valentine...
Kahapon ay napagpasyahan ng aking team na magsuot ng Black para sa araw ng mga Puso..
Sabi kasi nila, baduy na yung Red.. nakakasawa.. madami na ang magsusuot nun..
Sabi ko sa sarili ko, baka naman magmukhang may lamay pag lahat naka-itim..
May ilang nagprotesta, gusto nila pink.. sa simpleng kadahilanan na wala silang black shirt/blouse.
Yung mga super corny naman, magpuputi na lang daw, tanda ng kadalisayan ng kanilang puso..
At yung iba naman, bahala na raw si Batman kung anuman ang makuha nila sa kanilang aparador..
Nitong umaga, napakalambing na tinig ng anak kong bunso ang bumati sa akin..
Yun nga lang, ang tinawag nyang pangalan ay Daddy…
Haayyy.. parehong-pareho sila ng panganay… si Daddy rin ang first word.. si Daddy ang laging hinahanap..
Magkagayunman, isang matamis na ngiti at halik ang idinampi ko sa mga labi ng aking bunsong si Kian..
Si Kyle naman, mahimbing pa rin ang tulog sa tabi ng kanyang Lola Amy..
At ang mahal kong asawa… hayun at nagtext sa akin ng Happy Valentine.. nasa opisina pa kasi ito at alas-nwebe pa ng umaga ang labas.
Dagdag text pa nito, sa Sabado na lang daw kami magde-date dahil pareho kaming may pasok ngayon sa trabaho.. isa pa, ayaw naming makisiksikan sa mga restaurant na pihadong dudumugin ng mga lovers sa araw na ito..
Sa loob-loob ko, ayos lang kahit di na kami mag-date.. pero syempre, okay din kung matuloy nga, di bah..
Anyway, pagpasok ko sa trabaho, napansin ko na ang isang grupo ng mga naka-itim sa isang umpukan..
Heto na nga ba ang sinasabi ko, tinototoo nga nila ang pagsusuot ng Black sa araw na ito..
Ang isa, naka-long sleeves pa.. yung iba, all-black pa talaga..
Ang inyong lingkod, ay nakasuot din ng itim.. opo, nakiayon din ako sa kagustuhan ng marami..
Sabi nga nila, the more, the merrier…
Tumpak!
Dahil napakasaya ng atmosphere sa opisina kahit na nakaitim kaming lahat..
Pano naman kasi noh.. etong si Junathan (uu, Junathan nga!) ay nagdala pa talaga ng Black Americana suit.. astig!
Ilang minuto na lang at pauwi na kaming lahat.. nagsisipag-kiss na sa isa’t isa ang mga bebot..
ang ibang babae naman, nagreretouch na.. naghahanda na, nagme-make-up.. nagpapaganda… syempre, kasi may date sila..
at ang mga kalalakihan, pasimpleng nagpapapogi din.. etong katabi ko, nag-pabango na..
ayus!
Ay oo nga pala.. may isang bagay palang nangyari sa akin sa araw na ito..
Sa aking mesa ay may dalawang red rose candies with matching hearts on a long stem na nakapatong..
Ewan ko nga lang kung para sa akin ito..
Baka naman naiwan lang ito nung isang babaeng naabutan kong nakasandal sa table ko..
O baka naman galing sa secret admirer ko..
Ako, may secret admirer? Naku! Isang malaking himala kung sakali.. hehehe.
Pero kung sino man ang nakaiwan ng rose candy na ito, salamat, at lalonmg gumanda ang dekorasyon ng desk ko..
Hanggang sa muli!!


dapat purple na lang. haha. :D
ReplyDeleteparang Clear revolution yan ate ah. black valentine.
oo nga eh.. naalala ko tuloy si papa Piolo.. Clear Black Valentine.. hehehe..
ReplyDelete