the doctor should be OUT


ngayon ay okay na ang bunso kong si Kian... maayos na.. masayahin na uli. last week, talagang halos masiraan ako ng bait dahil sa pagkakasakit nya (vomiting ang LBM). idagdag mo pa ang matatawag nating "malpractice" ng isang doctor dahil sa maling pagprescribe ng gamot para sa anak ko..

it all happened last week during my week-long vacation from work. umuwi ang yaya ng mga anak ko sa Pangasinan, so wala akong ibang makakasama sa pagbabantay ng aking mga chikiting kaya minabuti ko munang gamitin ang aking leave balances para maalagaan ko sila.. naisipan naming mag-asawa na magbakasyon pansamantala sa knilang ancestral home sa Mexico (Pampanga).. naging katuwang ko sa pag-aalaga ang aking mga byenan.

sa ikalawang araw na pamamalagi namin sa knilang bahay, napansin ko na laging sumasakit ang tiyan ko (at madalas akong napapadalaw sa palikuran).. gayundin ang asawa ko.. lagi nyang dinadaing ang sama ng pakiramdam nya at ng tiyan nya.. di naglaon, napansin ko rin na ang panganay kong si Kyle ay ilang beses na rin kung magpoo-poo..

malamang ay dahil sa tubig kaya kami nakaramdam ng pagsama ng tiyan.. bumili kami agad ng distilled water at yun ang pinainom sa ming mga anak.. so far, naging ok naman si panganay.

pero inobserbahan ko rin ang bunso ko at napagtanto ko na iba naman ang kaso nya.. nagsusuka naman sya.. halos bawat oras, sinusuka nya ang lahat ng gatas na iniinom nya.. nanghihina na sya at wala ng gana.. agad-agad, dinala namin si Kian sa pinakamalapit na doktor para macheck-up sya.. nagpunta kami sa "pinakasupladong doctor" sa buong Pampanga.. kundi man, sa buong Pilipinas.. Oo, sobrang masungit ng doktor na to.. ni hindi mo sya makikitang ngumingiti.. hindi man lang nga sya tumitingin sa yo pag kausap ka nya eh..

tinanong kmi ng masungit na doktor kung pinapainom namin ng gatas ang anak ko pagkatapos magsuka.. sabi ko, "oo, pero hindi agad-agad.. pinapag-gatas ko sya dahil alam kong gutom na sya."

abah, eto ba naman ang sinabi: "naku naman.. ang hirap sa ting mga Pilipino, kahit nagsusuka na, pinapainom nyo pa rin.. eh di lalong magsusuka yan.. dapat di pinapakain hanggat hindi gutom! oh eto ang gamot ng anak mo.. wag mo muna syang pagagatasin.. hintayin mo ang tatlong oras saka mo sya painumin ng gatas.. hay naku. tingnan ko lang kung magsuka pa yan.. "

at inabot nya sa asawa ko ang prescription at dalawang bote ng gamot para daw sa pagsusuka nya.. nairita ako sa mahaderang doktor na yun.. (ayoko ng banggitin ang apelyido nito dahil ayokong magkaroon ng gulo.. matagal na sya sa propesyon nya at doon sya nakilala, sa pagiging suplado!)

anyway, sinagot ko uli ang doktor.. sabi ko, "baka po madehydrate ang bata kung di ko paiinumin.. nanghihina na nga sya eh.. eh kung bili din po ako ng Pedialite para inumin nya?"

alam mo ba ang sagot nya? eto ang sabi nya: "bakit ba mas marunong ka pa sa kin?"

grr... naiinis na talaga ako. pero di ko na pinatulan ang matandang yun dahil mas nag-aalala ako sa kalagayan ng anak ko.. matapos kong bayaran ang bills namin ay nagmadali na kming umalis ng asawa ko..

sa bahay, pinainom ko ng gamot ang baby ko.. nagustuhan naman nya ang lasa ng gamot, marahil dahil gutom na sya.. gusto ko na syang padedehen kaso naalala ko ang bilin ng doktor na wag muna painumin.. pero malipas ang isang oras ay lumalakas na ang hiyaw ng anak ko kaya minabuti ko nang pagatasin sya... di naglaon ay nakatulog sa dibdib ko ang aking munting anghel at mahimbing na natulog sa loob ng mahigit isang oras..

lumipas ang dalawa pang oras ay parang naging OK ang kalagayan ni Kian.. kinagabihan, pinainom ko sya nung isa pang prescribed na gamot na amoxicilin para daw sa paglinis ng mga bacteria sa tiyan.. di naglaon, mga 45 minuto ang lumipas, biglang nagsuka na uli ang anak ko.. hindi basta suka.. maraming suka! as in malayo ang inabot ng vomit nya.. kasunod ay ang parang nagmamaka-awa nyang pag-iyak.. naiyak na rin ako..

nakatulog sya uli makalipas ang isang oras.. kinaumagahan, mga alas singko ng madaling araw, nagising ako sa malakas ng hiyaw ni Kian.. pagulong-gulong sya sa higaan nya, parang iniinda nya ang sakit ng kanyang tiyan.. ako man ay masama ang pakiramdam, pero inuna ko ang bata.. nang makita ko ang diaper nya, halos umapaw ito sa dami ng poopoo.. nilinisan ko ang baby ko at pinaghele..

sa almusal, pinakain ko si Kyle at Kian ng cerelac. yung Wheat + Banana flavor.. di nagtagal, nagsuka na naman si Kian at nagdumi.. di ko na talaga alam ang gagawin ko.. hinintay kong dumating ang aking asawa mula sa trabaho at agad naming dinala ang mga bata sa ospital. nagpunta kami sa ibang pediatrician para matingnan muli si Kian.. laking gulat ko ng malaman ko mula sa kanya na mali pala ang niresetang gamot ng supladong doctor na unang nakausap namin. yung amoxicilin na pinainom namin ang dahilan ng pagtatae ni Kian.. dahil pinalambot nito ang mga fecals sa loob ng katawan ng bata.. tinanong ako ng pedia kung sino ang una naming nilapitan doktor. ang sabi ko: "Si Dr. D----n po.. "

nabigla ang pedia at sabi, "Nakupo, bakit po sa lahat ng doctor, sya po ang nilapitan nyo? psensya na po ma'm, pero hindi po sya espesyalista sa bata.. baka po para sa matandang tao ang binigay nya sa inyo kaya lalong nagkaganyan ang anak nyo po. mabuti po at pinacheck-up nyo pong muli ang baby nyo.."

hayun na.. naloko na.. sabi ko na nga ba at diskumpyado ako sa matandang doktor na yun.. eh iyon nga lang na di nya pagpayag na pagatasin ang anak ko sa loob ng 3 oras ay nanghihinala na ako eh.. susmaryosep!

nakaluwag kaming mag-asawa ng matingnan ng maayos ang anak namin.. pina-lab test din namin ang poopoo ng bunso ko at mabuti naman ay negative ito sa kahit ano mang "ova or parasites".. ilang gamot din ang nireseta ng Doktora, medyo mahal, pero hindi ko na inisip yung gastos.. mas mahalaga sa kin ang kalusugan ng mga anak ko..

pagkauwi namin mula sa ospital ay nagpahinga kaming mag-anak sa bahay.. napansin kong bumuti na ang kalagayan ni bunso nung painumin ko sya ng bagong gamot.. nag-usal ako ng panalangin ng pasasalamat sa Kanya sa walang sawa nyang pagpatnubay sa king mga anak.. dahil sa pag-gabay nya, di na nagsuka simula noon si bunso.. from time to time, nagpoopoo sya, pero hindi na gaya ng dati na halos tubig na ang lumalabas.. naging masigla na rin sya..

lubos ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi nya kami pinapabayaan.. tunay na ang lahat ng pagsubok ay kaya naming pagdaanan na mag-asawa, basta kumapit lang kami sa Kanya..

yung tungkol sa masungit na doktor, ayoko ng magsalita pa.. bahala na si Lord sa kanya.. pinagpayuhan ako ng kaibigan ko (boss ko) na idemanda ang doktor dahil sa malpractice.. naisip ko rin yun.. pero hayaan ko na lang ang desisyon sa Panginoon.. nawa'y wala nang mabiktimang uli ang doktor na un..

sa lahat ng bumati sa akin at nagwish-well sa aking mga anak, maraming salamat sa inyo.. :)

Comments

Popular Posts