saying goodbye & thanks...

I read Donnel's Goodbye Piece for me and i'm completely shattered and touched..

I didn't really expect this from you Donnel.. you've just made me cry again..

let me just post this very personal and farewell message to all the people I have left in my previous company... to all those who have touched my life for almost seven years..

honestly, di ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo kung gaano ko kayo mamimiss..

kulang na lang iuntog ko ang ulo ko sa pader para lang makakuha ng lakas ng loob para sabihin sa inyo yung decision ko... ayoko kasi ng may umiiyak.. ayoko rin kasing umiyak ako..

last monday, nung pumasok ako sa building natin, naiiyak na ko.. sabi ko, pinakamamimiss ko ang recreation hall, basement, canteen at phase 2 dahil lahat ng magagandang memories, narito.. dahil andun kayo lagi..

Donnel, halos di ko na maalala yung tungkol kat Taz.. waahhhh... bakit ngayon ko nga lang naalala yun.. kamusta na sya? alagaan mo sya ha.. yes, naalala ko na nung binigay ko sya sa yo.. buong araw ko muna syang hinaplos haplos then inabot ko sa yo.. nel, basta kung may problema ka, sa life or lovelife man, alam mo ang number ko ha.. kahit chismisan tayo dun tungkol kay matt mendoza, okay sa kin yun.. salamat din sa mga quotes at prayers na ipinapadala mo, lalo na pag naka-unlimited ka, hehehe..

pag may bago kang natipuhan, sabihan mo lang ako ha.. sana, lalo pang tumibay love nyo ni Lan..

Ate Ada,
yung sa Yellow Cab, wag kayong mag-aalala, matutupad yun, pangako! alam ko ilang beses na nating ni-plano yun, kaso di natutuloy.. panay nga ang swap time ko kina NiƱo at CDJ para makasabay ko kayo sa pag-uwi, pero hindi matuloy lakad natin kasi inaalala ko yung mga anak ko.. pagpasensyahan nyo na ako ha... pero ngyong hawak ko ang oras ko, pangako, isang araw, magkakasama-sama tayo sa Yellow Cab...Ate Ada, mamimiss ko ang kaseksihan ko, ang pagiging matapang mo at karinyosa.. waahhh, mamimiss ko mga picture taking din natin!!

sana rin, mahanap mo na si Mr. Right at maging masaya ang love story nyo...

Fran, ang mahal kong kumare, di lang kay Kyle, kundi kumare ko din sya kina Jerry, Vic, Vanness & Ken.. nang dahil sa pagkahilig natin sa F4, naging malapit tayong magkaibigan.. ibang iba ka sa inakala ko noong una.. akala ko kasi noon, di ka approachable.. pero nung makilala kita ng lubos, lukaret ka rin pala.. pareho pala tayong muret, LOL.. lagi mong tatandaan, andito lang ako kung kelangan mo ng kausap.. text text pa rin tayo.. at pag may eyeball or grand assembly tayo kasama sina sien, jeL, ching and the rest of MSP, sana magkasama pa uli tayo... ingatan mo rin si "Vic" Chou ng AOL ha...sana ay maging maligaya ko hanggang huli..

Coach Jel... maikling panahon lang tayo nagkakilala at nagkasama.. pero kahit maikli lang yun, tine-treasure ko na ang mga short talks natin.. yung mga pieces of advice mo, di ko malilimutan.. yung mga experiences natin sa Cebu, simula sa Clark Airport pa lang, nasa memory ko pa rin.. di na yun mawawala.. yung mga pangaral mo kay Marc, inaapreciate naming mag-asawa yun.. sa lahat lahat, maraming maraming salamat.. sana pag nagkita tayo uli, pareho na tayong sexy, kasing sexy ni Beyonce Knowles..

Coach Gie,
thank you din po sa pagsheshare mo ng kwento ng buhay mo at buhay pamilya.. yung mga experiences mo, i take them as my lesson in life too.. bago pa lang kaming mag-asawa ni marc, kaya we need all the lessons and advices na makukuha namin sa iyo at sa mga maybahay na kasing tapang at kasing loving mo.. naway' maging mas lalong masaya pa ang iyong buhay, sa pamilya, kalusugan at trabaho..

Deianira, mareng Dei.. hindi matatawaran ang halos 3 taong nating magkasama sa boarding house at 6 na taon na pagkakaibigan sa AOL.. hinding hindi kita malilimutan kailanman.. lahat ng messages, personal letters at gifts mo, lahat yan, nakatago, dito sa puso ko at dun sa malking "recuerdo box" ko.. lahat ng mga souvenirs, lahat tinatago ko.. masaya ako dahil naging kumare kita kay Kyle.. sana sa sususnod, kumare na rin kita sa kasal, hehehe..

sa inyo, LJ, Skitz, Jing, Mariz, Chichi, Carole at Dei rin, napakalaki ng pasasalamat ko sa inyong lahat dahil sa pagmulat nyo sa kin sa mga DVD marathon at hollywood TV series.. dahil sa inyo, nakilala ko si Tom Welling, Lex Luthor, Jack Bauer, Sydney Bristow, Michael Vaughn, CSI, Sawyer, Jack (LOST), Hiro, Peter Petrelli, at higit sa lahat, si Michael Scofied.. maraming salamat din sa lahat ng memories na pinagsamahan natin, sa Netscape, Wal Mart at Compuserve.. salamat sa pag-ampon sa akin sa department ninyo..

Skitz, patuloy mong mahalin si Tony Parker ha... and more success sa business and lovelife

Carole,
naway's biyayaan na rin kayo ng Maykapal ng baby ni Kent..

Chichi,
congratulations Mommy.. i'm sure, proud Daddy si Gio.. magiging mga mabubuting magulang kayo... sana dumami ang mga chikiting nyo...

Jing, sana ay maimbitahan nyo ako sa kasal nyo ni Noze ha... pakikamusta ako kay Kristin...

LJ, i wish you the best in love and work.. and with your passion in music.. sana maging sikat kang gitarista pagdating ng panahon.. kunin nyo si marc sa banda nyo, magiging magaling syang rapper, hihih.. i love you!

at Mariz, salamat din pala sa mga dance rehearsals natin, at nahilig na ako ngayon sa pagsasayaw.. thank you sa mga Hollywood news bits.. lalo akong napapamahal kay Brad Pitt & Angelina Jolie dahil sa inyo ni Perez... hihih.. salamat at nakilala ko ang madaming mabubuting tao na gaya mo..

Oret,
salamat sa mga e-loads, pasaload at prepaid.. salamat sa mga QA at TAT reports.. salamat dahil pinakilala mo sa akin si Ivan... salamat sa pagkakaibigan.. i will forever remember you at sana, gaya ng sinabi mo sa text mo, sana magkita tayo DUN one of these days..

Joan, Enz, Khaye, Errol, Sharon, Rodson, Rizza - ang mga techies na ngayon at MESH na, hinding hindi ko malilimutan ang ating pinagsamahan.. magkikita pa rin tayo, pangako yan!

sa mga natitirang 6am peeps, Vinee, Alvin at kaFred, kelan kayo susunod sa amin nina Tin, Dove & Brye... hehehe.. sana maging masaya pa rin kayo kahit wala na kami...Pao Tsin tayo one time ha.. ako ang taya. pangako yan!

sa mga 9am YGM TEAM , kung ano man kalalabasan ng all-hands meeting mamaya, i wish you all the best.. i'm gonna miss you all.. Lewlac, mamimiss kita dahil ikaw ang pinaka-the best and unique na nakilala ko... Mags, the ever romantic CSS, alagaan mo si MengMeng..

CDJ and Nino, mamimiss ko ang mga swap skeds natin... Vic, alagaan mo si kumare ko ha.. Kuya Allan, sana maging next CSS ka, alam ko kaya mo dahil bilib ako sa yo. Kuya Jake, nano kanu? hehehe.. mimingat ka neh pota panomnokan da ka.. Lol.. Kuya Rommel, kasama mo ako sa adhikain mo.. salamat sa mga payo.. regards kay Misis..

Albert, nasa GY shift ka na pala, di man tayo nakapagbonding.. hehehe... keep it up, boss... you're the greatest CSS i ever met..

Elson & Kuya Roland, darating din ang panahon na pinakaasam ninyo.. tandaan nyo, kaya natin to.. sayang, di nabuo yung mga loveteam natin noh? hehehe.. ingatan nyo sarili nyo lagi..

Moks, ingatan mo si Rose, Baby Bear.. wag mo akong kalimutan sa kasal nyo ha..

Judith, thanks for mentoring me.. thanks for all the advice.. thanks for the warm welcome nung nilipat kami ng team... idol kita, promise! Lea, Joy, Coney and the rest of the Klownz, sayang di ako makakaattend ng last team building ko.. waahhh.. Red, ikaw na bahala sa kanila ha... alagaan mo silang lahat.. treasure them like i treasure you all..

kay Elacion, maraming salamat din.. di man kami magsundo ni misis mo, tandaan mo na hindi mawawala respeto ko sa yo at ang pagkakaibigan natin.. sa mga naging kabatch natin sa training, sana ay maging masaya tayong lahat sa ating tatahakin..

sa lahat ng naging "crush" ko na coaches, hehehe,,, kelangan pa bang imemorize yan??

ayan, maglalabasan na ang mga hidden desires ko sa mga coaches... uu, unang crush ko sa floor, si Albino, first ever coach ko sya after training.. sinundan ni Aleck L.. ang lakas ng sex-appeal! sumunod si Tonton.. oo, naging crush ko si Sir Anthony, "Tonton" nung bagong coach pa lang sya.. pinakacrush ko si Adrian.. hehehe.. hanubayan. puro letter A pala ang nagustuhan kong coaches no.. wala naman cgurong masama kasi "crush" ko lang sila noon... ano ba yan, para akong hayskul nito... "crush" is a word meant for highschool puppy lovers, hehehe..

may nakalimutan pa ba ako?

basta kung meron pa akong nakalimutan, pagpasensyahan nyo na ako... alam ninyo kung sino sino kayo.. di ko kayo malilimutang lahat.. lagi kayong nasa dasal ko.. sorry kung di ko kayo namention... sana ay maunawaaan ninyo, inuubos ko lang ang oras ko bago ko isubmit ang clearance ko..

in two hours, isu-surrender ko ang ang Badge, SecureID, Medicards, and accountables ko... in two hours, Goodbye & Goodluck sa inyo..

till we meet again..
LOVE YOU ALL..

Comments

Popular Posts