kapal ng apog...

last night, i sent a good-night text message to my friends and relatives who are in my distribution list. naka-unlimited text ako kaya i was in the mood in texting.. when suddenly, i received this message from a number i used to know:
goodnight mong mukha mo.. wala ka namang kwarto, gago!


i was shocked upon reading the message.. i thought, nagkamali lang ako ng basa, pero when i re-read the text, nashock pa rin ako.. the mesage came from my cousin's old sim.. di ko alam na na-snatch pala ang cellphone nya a week ago, kaya di ko nabura yung number nya sa phone book ko.. then i asked my mom is my cousin, Kuya Lito, still uses the same number.. my mom said, No, nasnatch daw yung phone nya..

so i came to the conclusion that the person using my cousin's old sim number is the snatcher himself.. but i kept cool, at first about the situation.. kunwari di ako affected.. i texted back:
teka.. sinong gago? ako? di mo ba ako kilala? hindi ba number ni Kuya Lito at Ate Rona to?

nagreply ang snatcher... ang luffet..
wala akong pakialam kung sino ka.. di ko kilala yang kuya at mo..oo, gago ka...

magsimula ng uminit ang ulo ko.. sige text pa rin ako.. wala akong pakialam sa load ko... unlimited naman eh.. eto sabi ko...
eh gago ka rin pala eh.. di lang gago! magnanakaw ka! ikaw pala nagsnatch ng cellphone ng Kuya ko.. mas gago ka!!

hinintay ko ang reply na texter.. eto lang ang nasabi:
"Napulot ko lang tong sim!"

syempre, react agad ako.. ginagago talaga ako eh... kaya heto ang reply ko:
gago! sinong niloko mo.. tangek ka pala eh.. nagsnatch ka na nga, ginamit mo pa yung sim ng kuya ko.. makapal din talaga ang mukha mo eh.. "


hinintay ko ang reply nya.. dis-oras na ng gabi pero tuloy pa rin sya sa pagtetext sa kin kaya nakisabayan na rin ako.. pero, natawa na lng ako ng malakas nung mareceive ko yung reply nya na:
so? i dont care, gago! shot up! dont waist my time!


haynaku! imbes na mainis na ako ng tuluyan, halos magising ko ang bunso ko dahil sa kakatawa ng malakas.. grabeh! natawa ako sa spelling nya!! waahh!! kaya minabuti ko nang magtext back uli:
aysus ginoo! dong! wag kang magmagaling! nag-english ka pa, wrong spelling ka naman. kaw pala ang gago eh. you SHUT UP! sa susunod wag ka nang mag-english ha! don't worry, i won't WASTE my time with you again. BITCH!


i know, para akong bata kasi pinatulan ko pa yung text ng kumag na magnanakaw na yun.. pero wala na akong pakialam.. i know the feeling ng naisnatchan dahil nangyari na rin sa kin yun nung nasa The Fort ako, 4 years ako, after watching a concert... kaya nanumbalik ang inis ko ng malaman na ganun din nangyari sa pinsan ko..

nagreply back ang snatcher.. grabeh.. di yata matanggap ang sinabi ko.. kaya eto ang textback nya:
as if they are!

ang lufeeettt!!!! sino kaya to... ginagaya nya yata si Inday! hehehe..

di na ko nagreply back.. hinayaan ko na sya.. konsensya na lang nya kalaban nya.. kung sino ka man na snatcher ka, ang kapal ng apog mo!

Comments

Popular Posts