ang aking panganay!
magdadalawang taon na ang panganay ko.. yehey!!Kyle turns two on September 18..
parang kelan lang... baby pa lang sya..
katabi ko sa pagtulog...
pinapadede ko mula sa aking "mammary glands" at sa feeding bottle...
natututo pa lang na dumapa...
ang tanging salitang alam bigkasin ay "mamam"...
laging umiiyak sa gabi...
naglalaro sa crib...
pero ngayon, nagbago na ang lahat!
isa ng binata ang panganay ko.. nakakatuwa sya habang lumalaki..
masyadong malambing!di sya nauubusan ng laway at halik.. tuwing pag-uwi ko ng bahay, hayan na sya, nakataas ang dalawang kamay, naghihintay ng isang malaking yakap.. ang tawag nya dun, "bew hagz"... ibig sabihin, Bear Hugs..
dati naghahanap pa sya ng pasalubong sa kin.. madalas inuuwian ko sya ng chuckie.. minsan naman, Marie cookies.. pero ngayon, kahit wala akong dalang pasalubong, nakatingkayad pa rin ang kanyang mga kamay, animo'y sabik na sabik sa yakap ko dahil buong araw kming di nagkita..
napakasaya naming mag-asawa dahil matalino si Kyle.. di biro ang tulad nya na sa murang edad ay napakahilig ng magbasa at magsulat.. syempre, di mo pa maintindihan sulat nya.. understable naman yun..
ang gustong-gusto ko sa kanya, ay lagi syang nagrerequest ng bedtime story bago sya matulog.. pag nakita nyang tulog na ang bunso nyang kapatid, yayayain naman nya ako sa kwarto nya, kukuha ng kahit anong libro or children's book sa shelf at sasabihin, "Mommy, mommy, rid buk...plisssssss."
at magsisimula na akong magkwento ng kung ano-ano tungkol sa mga larawan na nasa book nya.. minsan naman, tuturuan ko sya ng Alpabeto - at abot-tenga ang ngiti pag ginagay na nya ako..
alam na nya ang letters A-Z.. oo, tama, alam nya yung lahat ng letra.. at pag nasa isang lugar kami na malalaki ang letra ang nasa karatula, tatakbuhin nya yun at sasabhin, "Mommy, Mommy! letter O...Mommy, Mommy! letter B...Mommy, Mommy! Eytz!."

talagang nakakatuwa pag tama ang bigkas nya at pagkakakilala nya sa mga titik.. minsan, naabutan ko pa nga sya na nagdo-drawing ng malaking letrang O at sabi nya, Mommy, Mommy! O...biyog! (bilog)
matals din ang memory ng batang to.. madaling turuan.. alam na nya ang buong pangalan nya.. pag inumpisahan ko ng "My name"... bigla nyang sasabihin ang "is Kayl Damdam P Santuts...(Kyle Adam P Santos)
pag sinabi ko ang: sasabihin naman nya:
Mommy Klew (Claire)
Daddy Martz (Marc)
Nanay Mimi (Amy-maternal Lola nya)
Tatay Ening (Erning- maternal Lolo)
Gramma Sheni (Zeny)
Grampa Tuni (Tony)
Lola Mengmeng
Tito DyiDyi (JayJay)
Tita Weng
Yaya Koyin (Coleen)
and so on and so forth...
pinaka-natuwa ako nung kelan lang... tinawagan ako ng Yaya nya sa phone.. umiiyak daw kasi si Kyle.. bigla nyang kinuha ang cellfone mula sa Yaya nya at sinabi.."Mommy, Mommy, Koyin payo pwet tsakit".... sabi ko naman, "baka kasi bad ka kaya ka pinalo.. di bale, pag uwi mommy, palo natin si yaya ha.." naintindihan ako ng bata.. biglang sinabi, ".."Mommy, Mommy, biyi, biyi....apul....griyin!" di ko naintindihan ang sinabi nya.. nung kinausap ko si Yaya, ang sabi pala ni Kyle at, Bili, bili apple green!.. hehehe.. bibong bata!

napakasarap ding magmahal ni Kyle.. love na love nya ang kanyang kapatid na si Kian Mikael.. si Kian na carbon-copy nya nung sya ay sanggol pa.. si Kian na tinatawag nyang "Miko" dahil di nya kayang bigkasin ang Kian o Mikael, kaya ginawa nyang Miko...
oo, nung una, pasaway si Kyle.. seloso, matampuhin, lalo na nung bagong panganak ako kay bunso.. pero di nagtagal, nakita kong natutuwa na sya sa kanyang kapatid..
lagi na nya itong tinatabihan sa crib, binabasahan kunwari ng libro at madalas ay niyayakap nya ito.. wala na ang matampuhing Kyle na marunong magmukmok sa kwarto, sisimangot at magbebelat kay Kian.. ngayon, isa na syang mabait na Kuya, malambing at maasikaso.. biruin mo, sya pa ang nag-aabot ng bote ni Kian pag nagugutom na to.. ang sweet!
para sa yo anak ko... ang aking unang anghel...ang aking kawangis... ang aking mahal na Kyle Adam..... nawa'y maging masaya ang pagdiriwang ng iyong ikalawang kaarawan sa Martes, kahit na hindi tayo maghanda ng magarbo... alam ko, peyborit mo si Jollibee,
kaya naman, asahan mo, bibisitahin natin sya, kasama ng mga kaibigan mo.. doon ay maglalaro tayo hanggang sa mapagod tayo, mabusog at makatulog...wish ko na sana ay lumaki ka ng maayos, mabait, mapagmahal sa magulang at kapatid at sa mga nakatatanda...
sana ay lagi kang masaya, bibo, malayo sa sakit at anumang kapahamakan...
sana ay dumating ang panahon na ikaw naman ang magtuturo ng mabuting asal sa kapatid mo at mga pinsan...
at sana, lumaki kang may takot sa Diyos..
Maligayang bati, Kyle.. mwahhh!!! Mommy, Daddy & baby Kian love you so much...


Comments
Post a Comment