sa wakas...
tahimik lang ako sa isang tabi.. di ko mawari kung bakit di ako mapakali ..
kahapon pa lang, excited na ko.. natutuwa na nababaliw at natutuliro..
nito lamang umaga, alas-sais, lubos ang saya ko ng makita ko ang mahabang pila..
di muna ako gumawa ng kahit anong hakbang.. ako'y naghintay muna..
sa loob ng tatlong oras, tahimik ako.. nakikiramdam..
alam ko namang marami pa ang gustong makipag-usap sa yo..
alam kong madami pang magtatanong kung tumaas ka ba, o gaya ng dati
alam kong nahihirapan ka rin dahil maraming humahawak at "pumipindot" sa yo..
pagsapit ng takdang oras, heto na ako.. eto na ang pagkakataon para makapiling ka!
hayan na.. lumabas ka na.. binilang ko kung tama ba ang aking nakuha...
at ako ay natuwa! oo naman, ako ay talagang natutuwa
dahil sa loob ng tatlong minuto, nakuha na kita..
oo Ninoy, ikaw nga... salamat po, dahil ngayon ay sweldo na!

FYI:
Para po sa mga di nakakaalam, ang aming kompanya po ay hindi sumasabay sa kinsenas (15-30) na payday.. dito po sa amin, tuwing a-otso at a-bentres ng buwan (8/23) ang aming swelduhan. ito po ay upang maiwasan na makisabay sa ibang mga parokyano na nagwiwidraw sa mga banko at ATM machines.. :)

Comments
Post a Comment