Panatang Makabayan..

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin
ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.
Buwan pa lang ng Agosto pero tatlo-tatlo na ang sineselebreyt nating mga Pinoy: Linggo ng Wika (holiday nga ba to?), Ninoy Aquino Day at National Heroes Day.. iisa lang ang nais ipahiwatig ng tatlong kaganapan na yan: Ipagpunyagi ang Lahing Pilipino..
noong nakaraang Linggo, gusto ko sanang gumawa ng entry para sa Wika2007 ng Pinoy BlogoSphere. Ito ay tungkol sa Maraming Wika, Matatag na Bansa, , na nauukol sa pagkakaroon ng ibat-ibang dialekto sa ating bansa.. ang mga wika na naiiba kung ikaw ay mapapadako sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas; Waray, Ilocano, Pangasinense, Ilonggo, Hiligaynon, Chabakano, Kapampangan at kung anu-ano pa.. sa totoo lang, meron na akong nai-"draft" na particular topic, pero dahil sa lagi akong abala sa trabaho, hindi ko ito matapos-tapos.. haayy.
kahapon naman ay ginunita natin ang pagpaslang kay dating senador Benigno Aquino, ang dakilang ama ni kristeta at kilala sa mga katagang, "The Filipino is worth dying for." totoo yun, sa aking pananaw, kahit saan ka man magpunta, dito man o sa ibang bansa, kung ikaw ay isang Pinoy, nararapat mong ipagmalaki na ikaw ay may dugong Filipino na nananalaytay sa yong dugo.. huwag nating sayangin ang sakripisyo at adhikain na naumpisahan ni Ninoy..
sa susunod na Linggo, Araw naman ng mga Bayani - mga bayaning gaya nina Lapu-Lapu, Rizal, Bonifacio, Mabini, Silang, Luna, Del Pilar atbp. mga bayaning pinagtanggol ang sariling bayan laban sa mga dayuhan. ngayong panahon, andyan sina Simone, Hiro, Claire, Peter, Nathan, Mark --- ooops! mga karakter pala yun sa Heroes Tv series.. hehehe.. pasensya na po..
hayan po mga kaibigan.. atin po ang buwang ito.. ang buwan ng Agosto.. ang buwan ng mga Filipino.. naway pagyamanin natin ang ating salinlahi at ipagmalaki sa buong mundo na ikaw, ako, tayong lahat, ay Filipino, sa isip, sa salita, at sa gawa..


Comments
Post a Comment