otso-otso...
kninang umaga, heto ang bumulaga sa mailbox ko, galing sa king butihing asawa:
awww... sa totoo lang, hindi talaga makata ang asawa ko.. pero ang simpleng e-mail na nareceive ko sa kanya ay sapat na para pasayahin nya ang araw ko..
sa mahal kong asawa, Honey Marc, mahal na mahal din kita..
mwah mwah mwah mwah mwah mwah mwah mwah !!!
Hi Honey,
Alam ko nagising k ng maaga knina.
Alam ko rin na napuyat kana nanaman kina Kyle at Kian dahil di sila agad natulog kagabi.
Alam ko sweldo na ngayon kaya mgwiwithdraw n ako mamaya.
Alam ko rin na madami tayong babayaran ngayon. Nandyan na ang tubig, kuryente, telepono at bahay at pang-sweldo kay Yaya Coleen.
Alam ko rin na kelangan na tayong mggrocery dahil nauubos na ang laman ang ref natin. Wala na tayong stock ng ulam this week.
Alam ko rin na dapat ng ipagawa ko na yung aircon ng car natin para di tayo mainitan sa loon lalo na't tag-ulan na..
Alam ko rin na tag-ulan na kaya dapat doble ingat tayo.. Ayokong nababasa kayo nina Kyle at Kian at baka magkasipon ka rin. Alam ko rin na dapat mgpagaling nko sa sipon at ubo ko para makapagtrabaho ako ng mabuti.
Pero alam mo ba, habang tumatagal lalong nagiging gwapo ang mga chikiting natin.
Alam mo ba na lalo nang nagiging kamukha ni Kian ang kuya nya..
Alam mo ba na panalangin ko na maging kasing bibo ni Kian si Kuya Kyle nya.
Alam mo ba na doble-doble kasiyahan ko simula ng isinilang mo si Kian at naging mapagmahal si Kyle..
Alam mo ba na nasisiyahan din pala ang mga taong kakilala natin dahil ang pogi ng mga Junior ko.
Alam mo ba na ngayong araw na to mayroong magandang bagay na mangyayari sayo... At dahil don..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Alam mo kung anong petsa ngayon??????
Haynaku.. Tignan mo nga naman, parang kelan lng nung pikutin mo ako sa Enchanted Kingdom. Naalala mo? Agosto a-otso, alas otso-otso ng umaga, nung sinagot kita ng OO.. hehehe.. ay, ako pala yung sinagot mo.. hehehe..
Wabyu Honey!!!!! Halika, mag-otso-otso tayo mamaya pagkatapos ng shift mo..
Otso-otso: Kain tayo ng 8 KFC Fried Chicken at nood tayo ng 8 sine..
Love You Honey, 8 times a day..
awww... sa totoo lang, hindi talaga makata ang asawa ko.. pero ang simpleng e-mail na nareceive ko sa kanya ay sapat na para pasayahin nya ang araw ko..
sa mahal kong asawa, Honey Marc, mahal na mahal din kita..
mwah mwah mwah mwah mwah mwah mwah mwah !!!


Comments
Post a Comment