drive with caution, pls!

reckless & greedy drivers - isa sa mga kinaiinisan ko ang mga katulad ng nasakyan kong jeep kninang madaling araw, sa kahabaan ng Mabacalat Highway..

beware of the jeepney with license plate number: CVY287 (Mabalacat-Angeles route).. napaka-walang modo ng driver nito!

ganito kasi yun:

pagbaba ko ng tryke sa kanto ng Mabiga, hayun, nakita kong nakapark yung jeep.. di sana ako sasakay, kasi tatlong katao pa lang ang laman = isang buntis, isang matanda at isang lalaki.. pero nung makita ng driver na di ako sasakay, bigla nyang pinaandar ng konti yung jeep nya.. so sumakay na lang ako.. kasi nga akala ko aalis na eh.. ayoko pa namang ma-late sa work..

eh langyang drayber, pinasakay nga ako, kaso umatras na naman! bumalik sa dating pwesto at naghintay ng pasahero.. sa inis ko, nagdabog yung mga paa ko.. narinig yata ako ng drayber, biglang pinaandar ang dyip! muntik na kong mauntog sa railing ng bintana.. walang busi-busina, hayun pinaharurot ang sasakyan.. di na nga nya marinig yung mga taong nag-aabot ng bayad kasi in-on nya yung radyo nya.. haay..

pagdating sa kanto Green Meadows St, hayun, pumarada uli.. naghihintay na naman ng mga pasahero.. merong isang pamilya na sumakay = isang lalaki, dalawang babae (sing-edad ko) at dalawang bata (mga 2-3 years old pa lang).. pagkasakay nila, dahan-dahang tumakbo ang dyip.. sobrang baaaaagal.. iniisa-isa nya yata ang mga kanto.. may naisakay naman syang isang matandang lalaki na umupo sa tabi nya.. kakilala yata nya eh, kasi ngkuwentuhan pa sila at naghingian ng sigarilyo at lighter.. tapos may sumakay pa ulit na isang babae.. tumabi sya sa kin.

nung mapansin ng babaeng katabi ko na sobrang bagal ng takbo ng dyip, napangiwi sya.. naiinis syang tinanong ang driver: "mama, male-late na po kami.. ang bagal naman po ng pagdadrive nyo"...
hayun na naman! napikon na naman yata ang drayber! pinaharurot ng todo ang sasakyan.. pumapara na yung isang pamilya, pero parang walang narrinig ang drayber... sige pa rin ang takbo.. sumigaw na ako: "MAMA, PARA DAW!"

biglang kambyo at kabig sa breaks! tangna! napasubsob yung isang bata sa kandungan ng nanay nya! buti na lng di nasaktan.. nagalit ang nanay ng bata, narinig kong nagsabi-sabi habang bumababa, : "kaskasero naman ang drayber na to!"

narinig yata ng drayber yung sinabi ng babae.. kaya nilakasan nya pang lalo yung radyo nya tapos humarurot uli..grr.. naiinis na talaga ako ng mga oras na yun kasi napakawalang-modo ng driver. parang walang pakialam sa mundo! basta may pumapara, hindi pa hihinto.. kahit naman naulinigan na nya na merong gustong bumaba, ilalayo pa rin nya yung bababaan ng pasahero.

naawa akong lalo dun sa buntis na nakaupo sa may harapan ko.. natatakot ata.. hawak hawak nya yung tiyan na at parang nagdadasal.. napapapikit sya.. sabi nung matandang lalaki na katabi ng drayber: "atin palang mabuktot keni, brad.. bagalan mung bagya ing pamag-drive mu" {translate: may buntis pala dito, brad.. bagalan mong konti ang pagdadrive}..

pero parang wala na talagang pakialam yung drayber.. hanggang sa makarating ako sa destinasyon ko (sa Mabalacat Gate), ang lakas ng biglang pagpreno! tuluyan ng umabot sa may harapan at nauntog yung babaeng katabi ko.. nakakainis talaga! bad trip! narinig naming sabi ng drayber habang bumababa kami: "Ali da kayu antindyan. Tang metung, buri na mabilis. Tang alwa, buri na mabagal" {di ko kayo maintindihan.. yung isa gusto mabilis, yung iba gusto mabagal.}

nung pagbaba ko, i made sure na titingnan ko plate number ng jeep.. CVY287.. buset kang drayber ka! umagang-umaga ganun ang makakaenkwentro mo.. sino ba namang di magagalit dun, di ba... sabi na lng nung buntis na nakasabay ko sa paglalakad, "bahala na ang Diyos sa kanya..."

hay naku.. nakakawalang-gana talaga yung driver na yun!! grrr...

Comments

Popular Posts