an afternoon affair

awww... that's how my son Kyle looked like when i arrived home yesterday.. he was standing by the sari-sari store in front of my neighbor's house, his arms wide open, waiting for my hug and kiss.. isn't he the sweetest thing??
this scene is what i always look forward to whenever my shift at work ends. kahit na super pagod ako sa trabaho, alam ko na pag-uwi ko, nariyan ang pamilya ko na magpapawala ng stress at pagod... their kisses always bring a smile to my heart. {kasama na kisses ni hubby dear dun, hihihi..}
after i got dressed (pambahay), i took Kyle around the subdivision for our Mommy & Son moment.. we do that every afternoon.. yesterday, we went to his BFF (best friend forever), PJ. Dala ni kyle yung small basket ball nya para may mapaglaruan sila ni PJ.. nakakaaliw nga si Kyle kasi alam nyang kumatok sa pinto.. so katok muna sya.. then nagpose ng konti..
pagkakita nya kay PJ, inabot nya agad ang bola nya. although Kyle can't talk that much yet, he was able to ask PJ to come out of the gate so they can play ball..

ang saya nilang tingnan.. kunwari nag-uusap na sila at nagkakaintindihan.. tumango si PJ at nagbalik sa bahay para kunin ang slippers nya.. hinabol sya ng lola nya kasi takbo ito ng takbo.. kami naman ni kyle, nasa labas pa.. chika-chika kunwari..
pagbalik ni PJ, tinawag muna nya ako... he said, "tah! kameya! kameya!" {tita, camera, camera! yun ang pagkakaintindi ko}.. kaya naman kinunan ko sya ng pic.. Mr. Pogi posing daw tawag dun.. sabagay.. cute nga naman syang tingnan... o, hayan, one, two, three, smile!

paglabas ni PJ, (ksama lola nya), pumunta na kmi sa malapit na Kid's Park.. naglaro sila ng bola.. nang magsawa, nagpunta sa swing... tig-isang upuan.. nagswing-swing sila.. Ikokodak ko sana sila uli, kaso, bigla akong naempty battery.. sheesh!..
anyway, it was already past 6pm nung matapos kming maglaro.. hapong-hapo ang panganay ko.. pero alam kong ang saya-saya nya.. it shows in his face.. di mawala ang ngiti.. panay ang halik sa mukha ko.. haayyy.. nakakatuwa talaga!!

to you dear kyle, thank you for always showing me your sweetest smile.. thank you for always showering me with your kisses.. thank you for always calling me, "Mommy Mommy" even though you do that only to get my attention.. thank you for being a good Kuya to your brother, Kian, eventhough i know that you always get jealous of him when i carry him & kiss him..
bebe kai, remember, Mommy Mommy loves you sooo much.. mwah!


Comments
Post a Comment