the abandoned child...

i just want to share this heartbreaking story which actually happened just yesterday in the subdivision where i reside. it really hurts to know that there are people who would just abandon something, as if they are just throwing a thing in the trash can.. grabeh.. bilang isang ina, i can't help but cry sa nasaksihan ko kahapon...


may iniwan na bagong panganak na sanggol sa harap ng isang bahay dun sa min sa Metro Clark, sa may Cairo St. (sa Sydney street ako.. distance from our house is like mula dito sa AOL hanggang sa Bicentennial).. that's roughly 500 meters away.


nakakaawa, kasi yung bagong panganak na baby, basta na lang nilapag sa semento tapos walang kadamit-damit! as in hubo't hubad yung sanggol tapos naka-attach pa yung umbilical cord and duguan sya.. iniwan na lng basta ng walang pusong ina nya sa tapat ng bahay ng isang mayamang pamilya, sa may garden area...


nadiscover nila yung baby nung morning na, mga past 6-7 am.. nataranta yung may-ari ng bahay, (Anabelle yung pangalan nung may-ari), pinasok nya yung baby.. buti na lang may kasama silang nurse.. nilinisan nung nurse yung baby, kaso, nangingitim na sya, probably because of the extreme cold and continuous crying..


gusto ng ampunin ni Anabelle yung baby, kaso gusto ng kasama nyang nurse na maging legal lahat, so after nyang linisan yung baby, tumawag sila ng pulis..


a lot of people went to Anabelle's house, yung mga kapitbahay nya, nagdonate ng mga damit pang baby, lahat gustong maki-ampon sa bata.. kawawa sya talaga..


(as of this writing, di ko mapigilan ang pag-iyak, naaawa talaga ako dun sa baby.. )


later in the morning, mga 11 am, nadiscover naman namin kung saan nanganak yung babae.. dun pala sa vacant lot sa tabi ng kapit bahay namin.. kasi yung kapitbahay ko, si Carol may spare space sa tabi ng haws nya and meron syang bamboo sofa set dun.. nung 11 am, nakita namin na duguan yung bamboo sofa na yun and may droplets of blood na nagle-lead papuntang Cairo St....


grabeh, imagine nyo yun, dun na nanganak yung heartless mom, sa halos tabi lang namin, tapos nagawa pa nyang dalhin yung sanggol sa malayo para lang iwan.. nang hubo't hubad..


we had speculations na baka the incident happened the other night.. nung iyak ng iyak si Kian dahil sa sakit ng injection.. nagsisipagtahol ang mga aso ng madaling araw.. akala ni Carol, ang naririnig nyang umiiyak na baby ay si Kian.. so hindi namin narinig na may nanganak nga dun sa tabi nya tsaka sinabayan pa kasi ng tahol ng aso..


wala pa rin kming idea kung sino yung babae na nagsilang.. sabi-sabi, baka daw pok-pok na di pinanagutan.. or iniwan ng asawa or boyfriend up to the last minute... or maybe homeless , kaya iniwan ang bata para may mag-alaga at mapalaki ng maayos.. either way, what she did is really wrong...


well, at least, she did carry her child for 9 months, at least di nya pinalaglag.. kaso, yung iwan na lng basta tapos wala pang damit yung bata, sobrang laking kasalanan na yun.. i still want to give her the benefit of the doubt , for leaving the child.. cguro may reason sya, pero yung ginawa nya sa bata ang di ko maisip na magagawa ng isang ina yun..


sana man lang, 2 weeks or the day or days before sya manganak, sinabihan na lng nya mga kakilala nya na ampunin na lng ang bata, instead of just "throwing" the baby...


sensya na.. ang sakit talaga sa dibdib pag naiisip ko yung nangyari sa baby... it's a baby girl pa naman! what a beautiful angel... sana sa kin na lng binigay, kukunin ko sya ng buong puso, para may girl na rin ako... this truly breaks my heart.. sa mga oras na to, sigurado ako, kung sino man yung nanay nung baby, sobrang nakokonsensya na sa nangyari..

Comments

Popular Posts