kawalan

- kawalan -

aysus!

nakatigig na naman ako sa kawalan...

hindi dahil sa kawalan ng maisusulat

kundi dahil sa kawalan sa tamang kaisipan..


ito'y nag-ugat sa isang di magandang balita

na ibinahagi sa akin ng aking kagrupo..

kung kaya ngayon, nararamdaman ko

ang kawalan ng gana sa pagtatrabaho..



ano na ngayon ang dulot nito?

heto...



kawalan ng tiwala sa sarili

yan ngayon ang nasa damdamin.

kawalan ng pag-asa na magtagumpay

sa daang nais ko sanang tahakin...

kawalan ng kumpyansa sa sarili

para makatayong muli at khit paano'y makabawi

kawalan ng gana na magpatuloy pa

sa naumpisahang adhikain at pagpupursigi


nakakawalang gana tuloy ang magsulat

kung ano-ano tuloy ang nasa aking isipan..

diayata't ang magiging resulta lang kasi

mapupunta din sa kawalan

hay buhay nga naman!

Comments

Popular Posts