- ang nakaraan -
nakatingin sa kawalan.. walang maisip na gawin sa bawat oras na dumaraan.. naisipan kong magbasa na lang ng nobela o kahit ano pa man, ngunit tila pinaglalaruan ako ng aking kaisipan.. dahil kahit isang salita ay wala akong maintindihan.
nagmumuni-muni ako ngayon kung ano ang dapat gawin.. habang naghihintay ng oras upang ako ay sunduin... ng mahal kong asawa, na minsan ay bugnutin... ngunit mas madalas naman, sya ay masayahin.
maiba tayo ng usapan... bigla ko kasing naalala ang aking kabataan.. naaalala nyo pa ba ang nakaraan, mga kaibigan? nung tayo ay mga munting musmos pa lamang... na walang alam gawin kundi maglaro ng taguan..
syete anyos ako noon, nang lumuwas kmi ng aking ina at kapatid sa Pangasinan... matapos ang anim na taong paninirahan... sa Maynilang aking kinalakhan..
wala akong kakilala sa lugar na aming nilipatan.. sabi ng aking ina, ang mga kapitbahay namin ay mga kamag-anak ng aming angkan.. pinakilala nya ako sa isang tiyahin na ubod ng itim... at sa kanyang anak na parang takot na takot sa akin..
subalit, dahil sa likas kong pagiging madaldal, nabago ko tuloy ang ugali ng aking pinsan.. kung dati ay kami lng ang magkasama, dumating din ang araw na nakilala ko ag mga kaibigan nya.
mga kaibigan na kakaiba... mga kaibigan na di mo akalaing makikilala.. mga kaibigang hindi ordinaryo, ngunit kamangha-mangha... mga kaibigang kung tawagin ay kalabaw at isda...
oo, mga literal na hayop ang tinutukoy ko.. mga hayop na matatagpuan mo lamang sa palaisdaan at sa tabing kubo. nagkataon kasi na mayroon silang pag-aaring lupa sa may kapatagan, kaya naman mas madalas kming magkasama doon tuwing kinahapunan.
lumipas ang ilang buwan, nalaman kong halos karamihan ay mga simpleng tao lamang.. hindi sila nasisilaw sa pera, o naghahangad ng ka-gitna. ang mga problem ay kayang-kaya nilang lutasin, basta sila ay magkasama at nagsasabihan ng hinaing.
lumaki ako sa piling ng aking ina at kapatid at mga pinsan.. napuno ng galak at saya ang aming tahanan.. bagay na di ko naranasan nung ako'y musmos pa lamang..
sa wari ko, iba ang mundong pinasukan ko.. dahil ang mga tao dito sa probinsya ay mababait na totoo.. oo nga't salat sila sa kayamanan na hatid ng mundo, ngunit sila ay mga taong handa namang tumulong kahit sa oras ng delubyo.
ngayon, ako ay higit ng dalawamput' pitong gulang... di ako makapaniwala, dalawang dekada na pala ang nagdaan.. mula nang magbago ang aking pananalig sa mundong ating ginagalawan..
mhirap mang isipin, na di na natin maibabalik pa... ang kahapong puno ng dalamhati at saya .. ang kahapong humubog sa kung ano tayo ngayon.. ang kahapong nagbigay buhay sa sa masalimuot ng noon..
di nga ba't kay sayang alalahanin ang ating nakaraan??
- - - - - - -
di ko mawari kung bkit ako nakapagsulat ng ganito ngayon..basta ang alam ko, sa mga oras na ito, walang pumapasok sa isip ko..
dahil hinihintay ko na ang pagpatak ng alas tres, para makauwi na ako at makita ang anak kong talaga namang napaka-gwapo!
amen.


Comments
Post a Comment